Lupit ng mga e-mail addresses ng ilang Philippine Senators!
Pahinga muna tayo sa mga mapangahas na entry tungkol sa mga nakakairitang tao sa mundo. Kailangang comedy muna.
Nasubukan niyo na bang pumunta sa official website ng Senate of the Philippines? Puwes, pagkakataon mo na upang bisitahin ito dahil sa napakalaking entertainment value na makikita mo dito. Opo! Hindi lamang sa TV at diyaryo parang perya ang Philippine Politics, pati sa internet!
Wala naman akong masyadong pakialam sa kanilang qualifications because most of them graduated from good schools. Nakakaiyak o nakakatawa lang talaga ang mga nakasulat sa website na ito. For one, pansin niyo bang pinakamahaba ang bio ni Sen. Miriam Defensor-Santiago? Well, I doubt talaga, dahil ang dami niyang pinagkaabalahan during her lifetime. Pero wish ko lang matalino ang nagsulat ng bio niya dahil parang writeup lang for senior year book ang quality ng pagkakasulat. Parang sayang kasi ang dami niyang (academic) accomplishments.
Anyway.
Ang pinaka-malupit na content dito ay ang e-mail addresses! Kung meron sigurong awards para sa most creative e-mail addresses para sa mga senador, sigurado ako, ang award ay mapupunta kay….
DUNDUNDUNDUN!!!
SENADORA NG MASA, LOI EJERCITO!
Shet, man, ang lupet ng e-mail address niya, very professional: oslee@hotmail.com. Hindi ko alam kung initials lang ‘yan, pero kung ako tatanungin mo, parang e-mail address lang ‘to ng high school student. HOTMAIL PA.
Siyempre, kung may hotmail, dapat merong YAHOO!. Examples na lang sila Sen. Panfilo Lacson at Senator Sergio OsmeƱa III. Haha. Ma-invite nga para makapagconference minsan.
Huling hirit na ‘to. Pansin niyo ba, si Sen. Pia Cayetano lang ang may “title” sa page kung saan nakalista ang mga senador? Pumapapel ah.
About this entry
You’re currently reading “Lupit ng mga e-mail addresses ng ilang Philippine Senators!,” an entry on We Are Kalaban
- Published:
- Marso 5, 2007 / 1:55 umaga
- Category:
- Madam Claudia, Okray
- Tags:
2 Comments
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]